14Hindi binigyan ni Moises ang lahi ni Levi ng lupain bilang mana. Ang matatanggap nila ay ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy na para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, ayon sa sinabi niya kay Moises.
15Ito ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Ruben, na hinati ayon sa bawat pamilya:
16Ang nasasakupan nila ay mula sa Aroer na nasa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) hanggang sa buong talampas ng Medeba.
17Nakasama rin ang Hesbon at ang lahat ng bayan nito sa talampas: ang Dibon, Bamot-baal, Bet-baal-meon,
18Jahaz, Kedemot, Mefaat,