26Nakasama rin ang mga lupain mula sa Hesbon hanggang sa Ramat Mizpa at Betomin, at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng bayan ng Debar.
27Ang lupaing natanggap nila sa Kapatagan ng Jordan ay ang Bet-haram, Bet-nimra, Sucot, Zafon at ang nalalabi sa kaharian ni Haring Sihon ng Hesbon. Ang hangganan sa kanluran ay ang Ilog Jordan hanggang sa Lawa ng Galilea.
28Ito ang mga bayan at baryo na ibinigay bilang mana ng lahi ni Gad na hinati ayon sa bawat sambahayan.
29Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa kalahating lahi ni Manases, na hinati ayon sa bawat sambahayan:
30Mula sa Mahanaim hanggang sa buong Bashan, ang buong kaharian ni Haring Og ng Bashan at ang animnapung bayan ng Jair na sakop ng Bashan.