28Ito ang mga bayan at baryo na ibinigay bilang mana ng lahi ni Gad na hinati ayon sa bawat sambahayan.
29Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa kalahating lahi ni Manases, na hinati ayon sa bawat sambahayan:
30Mula sa Mahanaim hanggang sa buong Bashan, ang buong kaharian ni Haring Og ng Bashan at ang animnapung bayan ng Jair na sakop ng Bashan.
31Nakasama rin ang kalahati ng Gilead, at ang Astarot at Edrei, ang mga lungsod sa Bashan kung saan naghari si Og. Ito ang lupain na ibinigay sa kalahating angkan ni Maquir na anak ni Manases, ayon sa bawat pamilya.
32Ito ang ginawang paghahati-hati ni Moises sa mga lupain sa silangan ng Jerico at Jordan nang nandoon siya sa kapatagan ng Moab.