Josue 13

Nakasama rin ang kalahati ng Gilead, at ang Astarot at Edrei, ang mga lungsod sa Bashan kung saan naghari si Og. Ito ang lupain na ibinigay sa kalahating angkan ni Maquir na anak ni Manases, ayon sa bawat pamilya.

Joshua 13:31 (UKJV) And half Gilead, and Ashtaroth, and Edrei, cities of the kingdom of Og in Bashan, were pertaining unto the children of Machir the son of Manasseh, even to the one half of the children of Machir by their families.

29Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa kalahating lahi ni Manases, na hinati ayon sa bawat sambahayan:

30Mula sa Mahanaim hanggang sa buong Bashan, ang buong kaharian ni Haring Og ng Bashan at ang animnapung bayan ng Jair na sakop ng Bashan.

31Nakasama rin ang kalahati ng Gilead, at ang Astarot at Edrei, ang mga lungsod sa Bashan kung saan naghari si Og. Ito ang lupain na ibinigay sa kalahating angkan ni Maquir na anak ni Manases, ayon sa bawat pamilya.

32Ito ang ginawang paghahati-hati ni Moises sa mga lupain sa silangan ng Jerico at Jordan nang nandoon siya sa kapatagan ng Moab.

33Ngunit sa lahi ni Levi, hindi niya sila binigyan ng lupain bilang mana dahil ang mamanahin nila ay ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ayon sa ipinangako sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.