Josue 14

“Apatnapuʼt limang taon na ang lumipas nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buháy pa ako hanggang ngayon at walumpuʼt limang taóng gulang na ako,

Joshua 14:10 (UKJV) And now, behold, the LORD has kept me alive, as he said, these forty and five years, even since the LORD spoke this word unto Moses, while the children of Israel wandered in the wilderness: and now, lo, I am this day fourscore and five years old.

8Ngunit tinakot ng mga kasama ko ang mga kababayan natin. Ngunit ako, matapat kong sinunod ang Panginoon kong Diyos.

9Kaya nang araw na iyon, nangako si Moises sa akin. Sinabi niya, ‘Dahil matapat ka sa pagsunod sa Panginoon kong Diyos, magiging iyo at ng lahi mo ang lupaing pinuntahan mo para mag-espiya.’

10“Apatnapuʼt limang taon na ang lumipas nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buháy pa ako hanggang ngayon at walumpuʼt limang taóng gulang na ako,

11pero ang lakas ko ay gaya pa rin noong panahon na inutusan ako ni Moises. Kayang-kaya ko pang makipaglaban gaya nang dati.

12Kaya ibigay mo na sa akin ang kabundukan na ipinangako sa akin noon ng Panginoon. Ikaw mismo ang nakarinig noon, na nakatira roon ang mga lahi ni Anak at matitibay ang mga lungsod nila na may mga pader. Ngunit sa tulong ng Panginoon, maitataboy ko sila sa lupaing iyon ayon sa pangako niya sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.