Josue 14

Kaya nang araw na iyon, nangako si Moises sa akin. Sinabi niya, ‘Dahil matapat ka sa pagsunod sa Panginoon kong Diyos, magiging iyo at ng lahi mo ang lupaing pinuntahan mo para mag-espiya.’

Joshua 14:9 (UKJV) And Moses swore on that day, saying, Surely the land whereon your feet have trodden shall be yours inheritance, and your children's for ever, because you have wholly followed the LORD my God.

7Akoʼy apatnapung taóng gulang pa lang noon nang inutusan ako ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Kades-barnea para mag-espiya sa lupaing iyon, at ipinagtapat ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko.

8Ngunit tinakot ng mga kasama ko ang mga kababayan natin. Ngunit ako, matapat kong sinunod ang Panginoon kong Diyos.

9Kaya nang araw na iyon, nangako si Moises sa akin. Sinabi niya, ‘Dahil matapat ka sa pagsunod sa Panginoon kong Diyos, magiging iyo at ng lahi mo ang lupaing pinuntahan mo para mag-espiya.’

10“Apatnapuʼt limang taon na ang lumipas nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buháy pa ako hanggang ngayon at walumpuʼt limang taóng gulang na ako,

11pero ang lakas ko ay gaya pa rin noong panahon na inutusan ako ni Moises. Kayang-kaya ko pang makipaglaban gaya nang dati.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.