2Ang kanilang hangganan sa timog ay nagsisimula sa baybayin ng katimugang bahagi ng Dagat na Patay
3papunta sa timog ng Daang Paahon ng Akrabim hanggang sa ilang ng Zin papunta sa timog ng Kades-barnea, at lumampas sa Hezron paakyat sa Adar at paliko papunta sa Karka,
4papunta sa Azmon, sa Lambak ng Ehipto at sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.
5Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan,
6paakyat sa Bet-hogla, at papunta sa hilaga ng Bet-araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Ruben.)