Josue 15

Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan,

Joshua 15:5 (UKJV) And the east border was the salt sea, even unto the end of Jordan. And their border in the north quarter was from the bay of the sea at the uttermost part of Jordan:

3papunta sa timog ng Daang Paahon ng Akrabim hanggang sa ilang ng Zin papunta sa timog ng Kades-barnea, at lumampas sa Hezron paakyat sa Adar at paliko papunta sa Karka,

4papunta sa Azmon, sa Lambak ng Ehipto at sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.

5Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan,

6paakyat sa Bet-hogla, at papunta sa hilaga ng Bet-araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Ruben.)

7Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En-semes at palabas ng En-rogel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.