5Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan,
6paakyat sa Bet-hogla, at papunta sa hilaga ng Bet-araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Ruben.)
7Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En-semes at palabas ng En-rogel.
8Mula roon papunta sa Lambak ng Ben-hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim.
9At mula roon, papunta sa Bukal ng Neftoa, palabas sa mga bayan na malapit sa Bundok ng Efron. Mula roon, pababa sa Baala (na siyang Kiriat-jearim),