Josue 15

Mula roon papunta sa Lambak ng Ben-hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim.

Joshua 15:8 (UKJV) And the border went up by the valley of the son of Hinnom unto the south side of the Jebusite; the same is Jerusalem: and the border went up to the top of the mountain that lies before the valley of Hinnom westward, which is at the end of the valley of the giants northward:

6paakyat sa Bet-hogla, at papunta sa hilaga ng Bet-araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Ruben.)

7Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En-semes at palabas ng En-rogel.

8Mula roon papunta sa Lambak ng Ben-hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim.

9At mula roon, papunta sa Bukal ng Neftoa, palabas sa mga bayan na malapit sa Bundok ng Efron. Mula roon, pababa sa Baala (na siyang Kiriat-jearim),

10lumiko sa bandang kanluran ng Baala papunta sa Bundok ng Seir. Pagkatapos, papunta ito sa hilagang bahagi ng libis ng Bundok ng Jearim (na siyang Kesalon), papunta sa Bet-semes at dumadaan sa Timna.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.