Josue 15

Ang kanilang hangganan sa timog ay nagsisimula sa baybayin ng katimugang bahagi ng Dagat na Patay

Joshua 15:2 (UKJV) And their south border was from the shore of the salt sea, from the bay that looks southward:

1Ito ang mga lupaing natanggap ng lahi ni Juda, na hinati ayon sa bawat sambahayan: Ang lupain ay umaabot sa hangganan ng Edom sa timog, sa dulo ng ilang ng Zin.

2Ang kanilang hangganan sa timog ay nagsisimula sa baybayin ng katimugang bahagi ng Dagat na Patay

3papunta sa timog ng Daang Paahon ng Akrabim hanggang sa ilang ng Zin papunta sa timog ng Kades-barnea, at lumampas sa Hezron paakyat sa Adar at paliko papunta sa Karka,

4papunta sa Azmon, sa Lambak ng Ehipto at sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.