10At pagkatapos magpalabunutan sa presensya ng Panginoon sa Silo, binigyan ni Josue ng bahagi ang mga lahi ng Israel na walang lupain.
11Ang unang bahagi ng lupain ay napunta sa lahi ni Benjamin. Nasa pagitan ito ng mga lupaing ibinigay noon sa lahi ni Juda at sa mga lahi ni Jose.
12Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Ilog Jordan papunta sa hilagang libis ng Jerico. Pagkatapos, paahon ito sa kanluran sa mga kabundukan hanggang sa disyerto ng Bet-aven.
13Mula roon, papunta ito sa libis na nasa bandang timog ng Luz (na siyang Betel). Pagkatapos, pababa ito sa Atarot-adar, sa bundok sa timog ng Mababang Bet-horon.
14Mula roon, papunta ito sa kanluran ng bundok na nakaharap sa Bet-horon at papunta sa timog. Nagtapos ito sa Kiriat Baal (na siyang Kiriat-jearim), isang bayan ng lahi ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.