Josue 18

Mula roon, papunta ito sa libis na nasa bandang timog ng Luz (na siyang Betel). Pagkatapos, pababa ito sa Atarot-adar, sa bundok sa timog ng Mababang Bet-horon.

Joshua 18:13 (UKJV) And the border went over from thence toward Luz, to the side of Luz, which is Bethel, southward; and the border descended to Atarothadar, near the hill that lies on the south side of the nether Bethhoron.

11Ang unang bahagi ng lupain ay napunta sa lahi ni Benjamin. Nasa pagitan ito ng mga lupaing ibinigay noon sa lahi ni Juda at sa mga lahi ni Jose.

12Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Ilog Jordan papunta sa hilagang libis ng Jerico. Pagkatapos, paahon ito sa kanluran sa mga kabundukan hanggang sa disyerto ng Bet-aven.

13Mula roon, papunta ito sa libis na nasa bandang timog ng Luz (na siyang Betel). Pagkatapos, pababa ito sa Atarot-adar, sa bundok sa timog ng Mababang Bet-horon.

14Mula roon, papunta ito sa kanluran ng bundok na nakaharap sa Bet-horon at papunta sa timog. Nagtapos ito sa Kiriat Baal (na siyang Kiriat-jearim), isang bayan ng lahi ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.

15Ang hangganan sa timog ay magmumula sa hangganan ng Kiriat-jearim. Mula roon, papunta ito sa kanluran sa mga bukal ng Neftoa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.