8at lahat ng mga baryo sa paligid ng mga lungsod na ito hanggang sa Baalat-beer (na siyang Rama) sa Negeb. Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon bilang mana nila na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.
9Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.
10Ang ikatlong binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun. Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid.
11Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jocneam.
12Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot-tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia.