Josue 19

Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot-tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia.

Joshua 19:12 (UKJV) And turned from Sarid eastward toward the sunrising unto the border of Chislothtabor, and then goes out to Daberath, and goes up to Japhia,

10Ang ikatlong binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun. Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid.

11Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jocneam.

12Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot-tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia.

13Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat-hefer, sa Itcazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea.

14Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta-el:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.