12Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot-tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia.
13Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat-hefer, sa Itcazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea.
14Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta-el:
15Lahat ay labindalawang bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Bethlehem.
16Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.