Josue 19

at lahat ng mga baryo sa paligid ng mga lungsod na ito hanggang sa Baalat-beer (na siyang Rama) sa Negeb. Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon bilang mana nila na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.

Joshua 19:8 (UKJV) And all the villages that were round about these cities to Baalathbeer, Ramath of the south. This is the inheritance of the tribe of the children of Simeon according to their families.

6Bet-lebaot at Sharuhen; labintatlong bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito.

7Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Asan; apat na lungsod, kasama ang mga baryong nasasakupan ng mga nito,

8at lahat ng mga baryo sa paligid ng mga lungsod na ito hanggang sa Baalat-beer (na siyang Rama) sa Negeb. Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon bilang mana nila na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.

9Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.

10Ang ikatlong binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun. Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.