15Si Rahab ay nakatira sa bahay na nasa pader ng lungsod, kaya tinulungan niya ang dalawang espiya na makababa sa bintana gamit ang lubid.
16Sinabi ni Rahab sa kanila, “Pumunta kayo sa kabundukan para hindi kayo makita ng mga humahabol sa inyo. Magtago kayo roon sa loob ng tatlong araw hanggang makabalik sila rito. Pagkatapos, maaari na kayong umuwi.”
17Sinabi ng dalawang espiya kay Rahab, “Tutuparin namin ang ipinangako namin sa iyo,
18pero kailangang gawin mo rin ito: Kapag nilusob na namin ang lupain nʼyo, itali mo ang pulang lubid na ito sa bintanang binabaan namin. Tipunin mo sa iyong bahay ang iyong mga magulang, mga kapatid mo at ang buo nilang sambahayan.
19Kung may isang lalabas at pupunta sa daan, hindi na namin pananagutan kapag namatay siya. Ngunit may pananagutan kami kapag may namatay sa loob ng bahay mo.