Josue 2

pero kailangang gawin mo rin ito: Kapag nilusob na namin ang lupain nʼyo, itali mo ang pulang lubid na ito sa bintanang binabaan namin. Tipunin mo sa iyong bahay ang iyong mga magulang, mga kapatid mo at ang buo nilang sambahayan.

Joshua 2:18 (UKJV) Behold, when we come into the land, you shall bind this line of scarlet thread in the window which you did let us down by: and you shall bring your father, and your mother, and your brethren, and all your father's household, home unto you.

16Sinabi ni Rahab sa kanila, “Pumunta kayo sa kabundukan para hindi kayo makita ng mga humahabol sa inyo. Magtago kayo roon sa loob ng tatlong araw hanggang makabalik sila rito. Pagkatapos, maaari na kayong umuwi.”

17Sinabi ng dalawang espiya kay Rahab, “Tutuparin namin ang ipinangako namin sa iyo,

18pero kailangang gawin mo rin ito: Kapag nilusob na namin ang lupain nʼyo, itali mo ang pulang lubid na ito sa bintanang binabaan namin. Tipunin mo sa iyong bahay ang iyong mga magulang, mga kapatid mo at ang buo nilang sambahayan.

19Kung may isang lalabas at pupunta sa daan, hindi na namin pananagutan kapag namatay siya. Ngunit may pananagutan kami kapag may namatay sa loob ng bahay mo.

20Ngunit kung ipagsasabi mo ang mga ginagawa namin, hindi namin tutuparin ang ipinangako namin sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.