17Sinabi ng dalawang espiya kay Rahab, “Tutuparin namin ang ipinangako namin sa iyo,
18pero kailangang gawin mo rin ito: Kapag nilusob na namin ang lupain nʼyo, itali mo ang pulang lubid na ito sa bintanang binabaan namin. Tipunin mo sa iyong bahay ang iyong mga magulang, mga kapatid mo at ang buo nilang sambahayan.
19Kung may isang lalabas at pupunta sa daan, hindi na namin pananagutan kapag namatay siya. Ngunit may pananagutan kami kapag may namatay sa loob ng bahay mo.
20Ngunit kung ipagsasabi mo ang mga ginagawa namin, hindi namin tutuparin ang ipinangako namin sa iyo.”
21Sumagot si Rahab, “Oo, payag ako.” Pagkatapos, pinaalis sila ni Rahab, at itinali niya agad ang pulang lubid sa bintana.