2doon sa Silo sa lupain ng Canaan. Sinabi nila, “Nag-utos ang Panginoon sa pamamagitan ni Moises na bigyan kami ng mga bayan na titirhan namin at mga pastulan para sa mga hayop namin.”
3Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon, binigyan ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan mula sa mga lupaing ibinigay bilang mana ng mga Israelita.
4Ang unang nakatanggap ng lupain ay ang mga angkan ni Kohat. Ang mga Levita na mula sa angkan ng paring si Aaron ay kabilang sa angkan ni Kohat. Nakatanggap sila ng labintatlong bayan na galing sa lupain ng mga lahi nina Juda, Simeon at Benjamin.
5Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manases.
6Ang mga angkan ni Gerson ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali at ng kalahating lahi ni Manases sa Bashan.