4Ang unang nakatanggap ng lupain ay ang mga angkan ni Kohat. Ang mga Levita na mula sa angkan ng paring si Aaron ay kabilang sa angkan ni Kohat. Nakatanggap sila ng labintatlong bayan na galing sa lupain ng mga lahi nina Juda, Simeon at Benjamin.
5Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manases.
6Ang mga angkan ni Gerson ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali at ng kalahating lahi ni Manases sa Bashan.
7Ang mga angkan ni Merari ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.
8Kaya sa paraan ng palabunutan, binigyan ng mga Israelita ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.