Josue 21

Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manases.

Joshua 21:5 (UKJV) And the rest of the children of Kohath had by lot out of the families of the tribe of Ephraim, and out of the tribe of Dan, and out of the half tribe of Manasseh, ten cities.

3Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon, binigyan ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan mula sa mga lupaing ibinigay bilang mana ng mga Israelita.

4Ang unang nakatanggap ng lupain ay ang mga angkan ni Kohat. Ang mga Levita na mula sa angkan ng paring si Aaron ay kabilang sa angkan ni Kohat. Nakatanggap sila ng labintatlong bayan na galing sa lupain ng mga lahi nina Juda, Simeon at Benjamin.

5Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manases.

6Ang mga angkan ni Gerson ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali at ng kalahating lahi ni Manases sa Bashan.

7Ang mga angkan ni Merari ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.