5Ang ibang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Efraim, Dan at ng kalahating lahi ni Manases.
6Ang mga angkan ni Gerson ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali at ng kalahating lahi ni Manases sa Bashan.
7Ang mga angkan ni Merari ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lupain ng mga lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.
8Kaya sa paraan ng palabunutan, binigyan ng mga Israelita ang mga Levita ng mga bayan at mga pastulan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
9Ito ang mga pangalan ng mga bayan na mula sa lupain ng mga lahi nina Simeon at Juda na ibinigay sa mga angkan ni Aaron. Sila ang mga angkan ni Kohat na mga Levita. Sila ang unang nabunot na bibigyan ng mga bayan.