Josue 22

Tinipon ni Josue ang mga mamamayan ng lahi nina Ruben, Gad at ng kalahating lahi ni Manases.

Joshua 22:1 (UKJV) Then Joshua called the Reubenites, and the Gadites, and the half tribe of Manasseh,

1Tinipon ni Josue ang mga mamamayan ng lahi nina Ruben, Gad at ng kalahating lahi ni Manases.

2Sinabi ni Josue sa kanila, “Ginawa nʼyo ang lahat ng iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon at sinunod din ninyo ang lahat ng iniutos ko.

3Hanggang ngayon, hindi nʼyo pinapabayaan ang mga kapatid ninyong Israelita at tinupad nʼyong mabuti ang lahat ng iniutos sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.