13Inutusan ng mga Israelita si Finehas, na anak ng paring si Eleazar na pumunta sa lahi nina Ruben, Gad at kalahating lahi ni Manases.
14May kasama siyang sampung pinuno mula sa bawat lahi ng Israel. Bawat isa sa kanilaʼy mga pinuno ng mga sambahayan ng lahi nila.
15Pagdating nila sa Gilead, sinabi nila sa lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases,
16“Gustong malaman ng buong mamamayan ng Panginoon kung bakit kayo tumalikod sa Diyos ng Israel. Nagrebelde kayo sa Panginoon sa pagpapatayo nʼyo ng altar para sa sarili ninyo. Hindi kayo sumusunod sa kanya.
17Nakalimutan nʼyo na ba ang kasalanan natin doon sa Peor? Dahil doon, pinadalhan tayo ng Panginoon ng salot at hanggang ngayon ay nagtitiis pa tayo. Hindi pa ba tayo natuto sa kamaliang iyon?