15Pagdating nila sa Gilead, sinabi nila sa lahi nina Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases,
16“Gustong malaman ng buong mamamayan ng Panginoon kung bakit kayo tumalikod sa Diyos ng Israel. Nagrebelde kayo sa Panginoon sa pagpapatayo nʼyo ng altar para sa sarili ninyo. Hindi kayo sumusunod sa kanya.
17Nakalimutan nʼyo na ba ang kasalanan natin doon sa Peor? Dahil doon, pinadalhan tayo ng Panginoon ng salot at hanggang ngayon ay nagtitiis pa tayo. Hindi pa ba tayo natuto sa kamaliang iyon?
18At ngayon, nagtangka pa kayong tumalikod sa Panginoon! “Kung magrerebelde pa kayo sa kanya sa araw na ito, bukas ay magagalit siya sa buong bayan ng Israel.
19Kaya kung ang lupain nʼyo ay marumi, tumawid kayo rito sa lupain ng Panginoon na kinaroroonan ng Tabernakulo, at dito na kayo tumira. Huwag kayong magrebelde sa Panginoon at sa amin sa pamamagitan ng pagtatayo ninyo ng ibang altar maliban sa altar ng Panginoon na ating Diyos.