Josue 22

“Ginawa namin ito dahil natakot kami na baka dumating ang panahon na sabihin ng mga kaapu-apuhan nʼyo sa mga kaapu-apuhan namin ang ganito, ‘Ano ang pakialam nʼyo sa Panginoon, ang Diyos ng Israel?

Joshua 22:24 (UKJV) And if we have not rather done it for fear of this thing, saying, In time to come your children might speak unto our children, saying, What have all of you to do with the LORD God of Israel?

22“Ang Panginoon ang Makapangyarihang Diyos! Ang Panginoon ang Makapangyarihang Diyos! Nalalaman niya kung bakit namin ito ginawa, at dapat din itong malaman ng Israel. Kung itoʼy pagrerebelde o pagsuway sa Panginoon, patayin nʼyo kami sa araw na ito.

23Panagutin nawa kami ng Panginoon kung ang pagpapatayo namin ng sariling altar ay para talikuran siya o kayaʼy upang itoʼy gawing alayan ng mga handog na sinusunog, handog na pagkaing butil, o kayaʼy handog pangkapayapaan.

24“Ginawa namin ito dahil natakot kami na baka dumating ang panahon na sabihin ng mga kaapu-apuhan nʼyo sa mga kaapu-apuhan namin ang ganito, ‘Ano ang pakialam nʼyo sa Panginoon, ang Diyos ng Israel?

25Ginawa ng Panginoon na hangganan ang Ilog Jordan para ihiwalay kayo sa amin. Kayong mga lahi nina Ruben at Gad, wala kayong bahagi sa Panginoon.’ Baka ang mga kaapu-apuhan nʼyo pa ang maging dahilan para hindi na magkaroon ng takot at paggalang sa Panginoon ang mga kaapu-apuhan namin.

26“Kaya ipinatayo namin ang altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa iba pang mga handog,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.