Josue 22

“Kaya ipinatayo namin ang altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa iba pang mga handog,

Joshua 22:26 (UKJV) Therefore we said, Let us now prepare to build us an altar, not for burnt offering, nor for sacrifice:

24“Ginawa namin ito dahil natakot kami na baka dumating ang panahon na sabihin ng mga kaapu-apuhan nʼyo sa mga kaapu-apuhan namin ang ganito, ‘Ano ang pakialam nʼyo sa Panginoon, ang Diyos ng Israel?

25Ginawa ng Panginoon na hangganan ang Ilog Jordan para ihiwalay kayo sa amin. Kayong mga lahi nina Ruben at Gad, wala kayong bahagi sa Panginoon.’ Baka ang mga kaapu-apuhan nʼyo pa ang maging dahilan para hindi na magkaroon ng takot at paggalang sa Panginoon ang mga kaapu-apuhan namin.

26“Kaya ipinatayo namin ang altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa iba pang mga handog,

27kundi upang maging tanda para sa amin, sa inyo, at sa mga susunod nating henerasyon na paglilingkuran namin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at mga handog pangkapayapaan doon sa kanyang santuwaryo. Sa gayon, hindi masasabihan ng mga kaapu-apuhan ninyo ang mga kaapu-apuhan namin ng ganito, ‘Wala kayong pakialam sa Panginoon!’

28“At kung mangyari nga na sabihin nila ito sa mga kaapu-apuhan namin, sasagutin sila ng kaapu-apuhan namin, ‘Tingnan nʼyo! Nagpatayo ang mga ninuno namin ng altar, gaya ng altar ng Panginoon, hindi para pag-alayan ng mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog, kundi upang maging paalala para sa amin at sa inyo na isang Diyos lamang ang ating sinasamba.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.