Josue 22

Ginawa ng Panginoon na hangganan ang Ilog Jordan para ihiwalay kayo sa amin. Kayong mga lahi nina Ruben at Gad, wala kayong bahagi sa Panginoon.’ Baka ang mga kaapu-apuhan nʼyo pa ang maging dahilan para hindi na magkaroon ng takot at paggalang sa Panginoon ang mga kaapu-apuhan namin.

Joshua 22:25 (UKJV) For the LORD has made Jordan a border between us and you, all of you children of Reuben and children of Gad; all of you have no part in the LORD: so shall your children make our children cease from fearing the LORD.

23Panagutin nawa kami ng Panginoon kung ang pagpapatayo namin ng sariling altar ay para talikuran siya o kayaʼy upang itoʼy gawing alayan ng mga handog na sinusunog, handog na pagkaing butil, o kayaʼy handog pangkapayapaan.

24“Ginawa namin ito dahil natakot kami na baka dumating ang panahon na sabihin ng mga kaapu-apuhan nʼyo sa mga kaapu-apuhan namin ang ganito, ‘Ano ang pakialam nʼyo sa Panginoon, ang Diyos ng Israel?

25Ginawa ng Panginoon na hangganan ang Ilog Jordan para ihiwalay kayo sa amin. Kayong mga lahi nina Ruben at Gad, wala kayong bahagi sa Panginoon.’ Baka ang mga kaapu-apuhan nʼyo pa ang maging dahilan para hindi na magkaroon ng takot at paggalang sa Panginoon ang mga kaapu-apuhan namin.

26“Kaya ipinatayo namin ang altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa iba pang mga handog,

27kundi upang maging tanda para sa amin, sa inyo, at sa mga susunod nating henerasyon na paglilingkuran namin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at mga handog pangkapayapaan doon sa kanyang santuwaryo. Sa gayon, hindi masasabihan ng mga kaapu-apuhan ninyo ang mga kaapu-apuhan namin ng ganito, ‘Wala kayong pakialam sa Panginoon!’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.