26“Kaya ipinatayo namin ang altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa iba pang mga handog,
27kundi upang maging tanda para sa amin, sa inyo, at sa mga susunod nating henerasyon na paglilingkuran namin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at mga handog pangkapayapaan doon sa kanyang santuwaryo. Sa gayon, hindi masasabihan ng mga kaapu-apuhan ninyo ang mga kaapu-apuhan namin ng ganito, ‘Wala kayong pakialam sa Panginoon!’
28“At kung mangyari nga na sabihin nila ito sa mga kaapu-apuhan namin, sasagutin sila ng kaapu-apuhan namin, ‘Tingnan nʼyo! Nagpatayo ang mga ninuno namin ng altar, gaya ng altar ng Panginoon, hindi para pag-alayan ng mga handog na sinusunog at ng iba pang mga handog, kundi upang maging paalala para sa amin at sa inyo na isang Diyos lamang ang ating sinasamba.’
29“Hindi namin magagawa na magrebelde o sumuway sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapatayo namin ng sariling altar para pag-alayan ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at ng iba pang mga handog. Hindi namin ipagpapalit ang altar ng Panginoon na ating Diyos na nandoon sa harap ng kanyang Tolda.”
30Natuwa sina Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita nang marinig nila ang sinabi ng mga lahi nina Ruben, Gad at ng kalahating lahi ni Manases.