31Kaya sinabi ni Finehas na anak ng paring si Eleazar sa mga lahi ni Ruben, Gad, at Manases, “Alam na namin ngayon na kasama natin ang Panginoon dahil hindi pala kayo nagrebelde sa kanya. Niligtas nʼyo ang Israel sa parusa ng Panginoon.”
32Pagkatapos, umuwi sa Canaan sina Finehas na anak ng paring si Eleazar at ang mga pinuno, at sinabi nila sa mga Israelita ang pakikipag-usap nila sa mga lahi nina Ruben at Gad.
33Nang marinig nila ito, natuwa sila at nagpuri sa Diyos. At hindi na sila nagsalita tungkol sa paglusob sa lupain na tinitirhan ng mga lahi nina Ruben at Gad.
34Pinangalanan ng mga lahi nina Ruben at Gad ang altar na “Saksi”, dahil sabi nila, “Saksi ito para sa ating lahat na ang Panginoon ay Diyos.”