Josue 22

Kaya sinabi ni Finehas na anak ng paring si Eleazar sa mga lahi ni Ruben, Gad, at Manases, “Alam na namin ngayon na kasama natin ang Panginoon dahil hindi pala kayo nagrebelde sa kanya. Niligtas nʼyo ang Israel sa parusa ng Panginoon.”

Joshua 22:31 (UKJV) And Phinehas the son of Eleazar the priest said unto the children of Reuben, and to the children of Gad, and to the children of Manasseh, This day we perceive that the LORD is among us, because all of you have not committed this trespass against the LORD: now all of you have delivered the children of Israel out of the hand of the LORD.

29“Hindi namin magagawa na magrebelde o sumuway sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapatayo namin ng sariling altar para pag-alayan ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at ng iba pang mga handog. Hindi namin ipagpapalit ang altar ng Panginoon na ating Diyos na nandoon sa harap ng kanyang Tolda.”

30Natuwa sina Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita nang marinig nila ang sinabi ng mga lahi nina Ruben, Gad at ng kalahating lahi ni Manases.

31Kaya sinabi ni Finehas na anak ng paring si Eleazar sa mga lahi ni Ruben, Gad, at Manases, “Alam na namin ngayon na kasama natin ang Panginoon dahil hindi pala kayo nagrebelde sa kanya. Niligtas nʼyo ang Israel sa parusa ng Panginoon.”

32Pagkatapos, umuwi sa Canaan sina Finehas na anak ng paring si Eleazar at ang mga pinuno, at sinabi nila sa mga Israelita ang pakikipag-usap nila sa mga lahi nina Ruben at Gad.

33Nang marinig nila ito, natuwa sila at nagpuri sa Diyos. At hindi na sila nagsalita tungkol sa paglusob sa lupain na tinitirhan ng mga lahi nina Ruben at Gad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.