Josue 23

Nakita nʼyo mismo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa mga bansang ito alang-alang sa inyo. Ang Panginoon na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.

Joshua 23:3 (UKJV) And all of you have seen all that the LORD your God has done unto all these nations because of you; for the LORD your God is he that has fought for you.

1Sa mahabang panahon, binigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa mga kalaban nila sa paligid. Matanda na si Josue,

2kaya ipinatawag niya ang lahat ng mamamayan ng Israel, kasama ang mga tagapamahala, mga pinuno, mga hukom at mga opisyal ng Israel. Sinabi niya sa kanila, “Matanda na ako.

3Nakita nʼyo mismo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa mga bansang ito alang-alang sa inyo. Ang Panginoon na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.

4Alalahanin ninyo kung paano ko hinati-hati bilang mana ng inyong mga lahi ang lahat ng lupain ng mga bansang nasakop natin, mula sa Ilog Jordan sa silangan hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, pati na rin ang mga lupain ng mga bansang hindi pa natin nasasakop.

5Magiging inyo ang mga lupain nila, ayon sa ipinangako sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Itataboy sila ng Panginoon na inyong Diyos. Tatakas sila habang nilulusob ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.