Josue 23

Magiging inyo ang mga lupain nila, ayon sa ipinangako sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Itataboy sila ng Panginoon na inyong Diyos. Tatakas sila habang nilulusob ninyo.

Joshua 23:5 (UKJV) And the LORD your God, he shall expel them from before you, and drive them from out of your sight; and all of you shall possess their land, as the LORD your God has promised unto you.

3Nakita nʼyo mismo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa mga bansang ito alang-alang sa inyo. Ang Panginoon na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.

4Alalahanin ninyo kung paano ko hinati-hati bilang mana ng inyong mga lahi ang lahat ng lupain ng mga bansang nasakop natin, mula sa Ilog Jordan sa silangan hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, pati na rin ang mga lupain ng mga bansang hindi pa natin nasasakop.

5Magiging inyo ang mga lupain nila, ayon sa ipinangako sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Itataboy sila ng Panginoon na inyong Diyos. Tatakas sila habang nilulusob ninyo.

6“Magpakatatag kayo at tuparin nʼyong mabuti ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag nʼyo itong itakwil.

7Huwag kayong makikiisa sa mga bayan na natitira pa sa karatig ninyo, at huwag ninyong babanggitin ang mga pangalan ng mga diyos nila o kayaʼy sumumpa sa pangalan ng mga ito. Huwag kayong sasamba o kayaʼy maglilingkod sa kanila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.