4Alalahanin ninyo kung paano ko hinati-hati bilang mana ng inyong mga lahi ang lahat ng lupain ng mga bansang nasakop natin, mula sa Ilog Jordan sa silangan hanggang sa Dagat ng Mediteraneo sa kanluran, pati na rin ang mga lupain ng mga bansang hindi pa natin nasasakop.
5Magiging inyo ang mga lupain nila, ayon sa ipinangako sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Itataboy sila ng Panginoon na inyong Diyos. Tatakas sila habang nilulusob ninyo.
6“Magpakatatag kayo at tuparin nʼyong mabuti ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag nʼyo itong itakwil.
7Huwag kayong makikiisa sa mga bayan na natitira pa sa karatig ninyo, at huwag ninyong babanggitin ang mga pangalan ng mga diyos nila o kayaʼy sumumpa sa pangalan ng mga ito. Huwag kayong sasamba o kayaʼy maglilingkod sa kanila,
8kundi, maging tapat kayo sa Panginoon na inyong Diyos, gaya ng ginagawa nʼyo hanggang ngayon.