Josue 24

Sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Noon, ang mga ninuno nʼyo ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates at sumamba sa ibang mga diyos-diyosan. Isa sa kanila ay si Tera na ama nina Abraham at Nahor.

Joshua 24:2 (UKJV) And Joshua said unto all the people, Thus says the LORD God of Israel, Your fathers dwelt on the other side of the flood in old time, even Terah, the father of Abraham, and the father of Nachor: and they served other gods.

1Tinipon ni Josue ang lahat ng lahi ng Israel sa Shekem. Tinawag niya ang mga tagapamahala, mga pinuno, mga hukom at mga opisyal ng Israel, at lumapit sila sa presensya ng Diyos.

2Sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Noon, ang mga ninuno nʼyo ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates at sumamba sa ibang mga diyos-diyosan. Isa sa kanila ay si Tera na ama nina Abraham at Nahor.

3Ngunit kinuha ko si Abraham sa lugar na iyon at pinapunta papunta sa lupain ng Canaan at binigyan ng maraming lahi. Naging anak niya si Isaac,

4at naging anak naman ni Isaac sina Esau at Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kabundukan ng Seir bilang bahagi niya pero si Jacob at ang mga anak niya ay pumunta sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.