Josue 24

Ngunit kinuha ko si Abraham sa lugar na iyon at pinapunta papunta sa lupain ng Canaan at binigyan ng maraming lahi. Naging anak niya si Isaac,

Joshua 24:3 (UKJV) And I took your father Abraham from the other side of the flood, and led him throughout all the land of Canaan, and multiplied his seed, and gave him Isaac.

1Tinipon ni Josue ang lahat ng lahi ng Israel sa Shekem. Tinawag niya ang mga tagapamahala, mga pinuno, mga hukom at mga opisyal ng Israel, at lumapit sila sa presensya ng Diyos.

2Sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Noon, ang mga ninuno nʼyo ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates at sumamba sa ibang mga diyos-diyosan. Isa sa kanila ay si Tera na ama nina Abraham at Nahor.

3Ngunit kinuha ko si Abraham sa lugar na iyon at pinapunta papunta sa lupain ng Canaan at binigyan ng maraming lahi. Naging anak niya si Isaac,

4at naging anak naman ni Isaac sina Esau at Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kabundukan ng Seir bilang bahagi niya pero si Jacob at ang mga anak niya ay pumunta sa Ehipto.

5“ ‘Pagkatapos, isinugo ko sina Moises at Aaron sa Ehipto at pinadalhan ko ng mga salot ang mga Ehipsiyo, at inilabas roon ang inyong mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.