3Ngunit kinuha ko si Abraham sa lugar na iyon at pinapunta papunta sa lupain ng Canaan at binigyan ng maraming lahi. Naging anak niya si Isaac,
4at naging anak naman ni Isaac sina Esau at Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kabundukan ng Seir bilang bahagi niya pero si Jacob at ang mga anak niya ay pumunta sa Ehipto.
5“ ‘Pagkatapos, isinugo ko sina Moises at Aaron sa Ehipto at pinadalhan ko ng mga salot ang mga Ehipsiyo, at inilabas roon ang inyong mga ninuno.
6Ngunit nang makarating ang mga ninuno nʼyo sa Dagat na Pula, hinabol sila ng mga Ehipsiyo na may mga kabayo at mga karwahe.
7Humingi ng tulong sa akin ang inyong mga ninuno at nilagyan ko ng kadiliman ang pagitan nila at ng mga Ehipsiyo. At nilunod ko agad ang mga Ehipsiyo sa dagat. Nakita mismo ng inyong mga ninuno ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo. At tumira kayo sa disyerto nang mahabang panahon.