Josue 24

at naging anak naman ni Isaac sina Esau at Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kabundukan ng Seir bilang bahagi niya pero si Jacob at ang mga anak niya ay pumunta sa Ehipto.

Joshua 24:4 (UKJV) And I gave unto Isaac Jacob and Esau: and I gave unto Esau mount Seir, to possess it; but Jacob and his children went down into Egypt.

2Sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Noon, ang mga ninuno nʼyo ay nakatira sa kabila ng Ilog Eufrates at sumamba sa ibang mga diyos-diyosan. Isa sa kanila ay si Tera na ama nina Abraham at Nahor.

3Ngunit kinuha ko si Abraham sa lugar na iyon at pinapunta papunta sa lupain ng Canaan at binigyan ng maraming lahi. Naging anak niya si Isaac,

4at naging anak naman ni Isaac sina Esau at Jacob. Ibinigay ko kay Esau ang kabundukan ng Seir bilang bahagi niya pero si Jacob at ang mga anak niya ay pumunta sa Ehipto.

5“ ‘Pagkatapos, isinugo ko sina Moises at Aaron sa Ehipto at pinadalhan ko ng mga salot ang mga Ehipsiyo, at inilabas roon ang inyong mga ninuno.

6Ngunit nang makarating ang mga ninuno nʼyo sa Dagat na Pula, hinabol sila ng mga Ehipsiyo na may mga kabayo at mga karwahe.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.