21Ngunit sumagot ang mga tao kay Josue, “Maglilingkod kami sa Panginoon.”
22Sinabi ni Josue, “Kayo mismo ang mga saksi sa mga sarili nʼyo na pinili ninyong paglingkuran ang Panginoon.” Sumagot sila, “Oo, mga saksi kami.”
23Pagkatapos, sinabi ni Josue, “Kung ganoon, itakwil nʼyo na ang mga diyos-diyosan nʼyo at paglingkuran ninyo nang buong puso ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.”
24Sumagot kay Josue ang mga tao, “Paglilingkuran namin ang Panginoon naming Diyos, at susundin namin ang mga utos niya.”
25Nang araw na iyon, gumawa si Josue ng kasunduan sa mga tao roon sa Shekem, at ibinigay niya sa kanila ang mga kautusan at mga tuntunin.