19Sinabi ni Josue sa mga tao, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Panginoon dahil siyaʼy banal na Diyos at ayaw niyang may sinasamba kayong iba. Hindi niya babalewalain ang pagrerebelde at mga kasalanan ninyo.
20Kapag itinakwil nʼyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang diyos, magagalit siya sa inyo at parurusahan niya kayo. Lilipulin niya kayo kahit na nooʼy naging mabuti siya sa inyo.”
21Ngunit sumagot ang mga tao kay Josue, “Maglilingkod kami sa Panginoon.”
22Sinabi ni Josue, “Kayo mismo ang mga saksi sa mga sarili nʼyo na pinili ninyong paglingkuran ang Panginoon.” Sumagot sila, “Oo, mga saksi kami.”
23Pagkatapos, sinabi ni Josue, “Kung ganoon, itakwil nʼyo na ang mga diyos-diyosan nʼyo at paglingkuran ninyo nang buong puso ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.”