Josue 24

Kapag itinakwil nʼyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang diyos, magagalit siya sa inyo at parurusahan niya kayo. Lilipulin niya kayo kahit na nooʼy naging mabuti siya sa inyo.”

Joshua 24:20 (UKJV) If all of you forsake the LORD, and serve strange gods, then he will turn and do you hurt, and consume you, after that he has done you good.

18Itinaboy niya ang mga Amoreo at ang ibang mga bansa na naninirahan sa mga lupaing ito. Kaya maglilingkod din kami sa Panginoon, dahil siya ang aming Diyos.”

19Sinabi ni Josue sa mga tao, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Panginoon dahil siyaʼy banal na Diyos at ayaw niyang may sinasamba kayong iba. Hindi niya babalewalain ang pagrerebelde at mga kasalanan ninyo.

20Kapag itinakwil nʼyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang diyos, magagalit siya sa inyo at parurusahan niya kayo. Lilipulin niya kayo kahit na nooʼy naging mabuti siya sa inyo.”

21Ngunit sumagot ang mga tao kay Josue, “Maglilingkod kami sa Panginoon.”

22Sinabi ni Josue, “Kayo mismo ang mga saksi sa mga sarili nʼyo na pinili ninyong paglingkuran ang Panginoon.” Sumagot sila, “Oo, mga saksi kami.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.