Josue 24

Sinabi ni Josue sa mga tao, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Panginoon dahil siyaʼy banal na Diyos at ayaw niyang may sinasamba kayong iba. Hindi niya babalewalain ang pagrerebelde at mga kasalanan ninyo.

Joshua 24:19 (UKJV) And Joshua said unto the people, All of you cannot serve the LORD: for he is an holy God; he is a jealous God; he will not forgive your transgressions nor your sins.

17Ang Panginoon na ating Diyos mismo ang naglabas sa atin at sa mga ninuno natin sa pagkaalipin doon sa Ehipto. Nakita rin natin ang mga himalang ginawa niya. Iningatan niya tayo sa paglalakbay natin sa mga bansang dinadaanan natin.

18Itinaboy niya ang mga Amoreo at ang ibang mga bansa na naninirahan sa mga lupaing ito. Kaya maglilingkod din kami sa Panginoon, dahil siya ang aming Diyos.”

19Sinabi ni Josue sa mga tao, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Panginoon dahil siyaʼy banal na Diyos at ayaw niyang may sinasamba kayong iba. Hindi niya babalewalain ang pagrerebelde at mga kasalanan ninyo.

20Kapag itinakwil nʼyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang diyos, magagalit siya sa inyo at parurusahan niya kayo. Lilipulin niya kayo kahit na nooʼy naging mabuti siya sa inyo.”

21Ngunit sumagot ang mga tao kay Josue, “Maglilingkod kami sa Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.