Josue 24

Sinulat ito ni Josue sa Aklat ng Kautusan ng Diyos. Pagkatapos, kumuha siya ng malaking bato at itinayo sa puno ng terebinto malapit sa banal na lugar ng Panginoon.

Joshua 24:26 (UKJV) And Joshua wrote these words in the book of the law of God, and took a great stone, and set it up there under an oak, that was by the sanctuary of the LORD.

24Sumagot kay Josue ang mga tao, “Paglilingkuran namin ang Panginoon naming Diyos, at susundin namin ang mga utos niya.”

25Nang araw na iyon, gumawa si Josue ng kasunduan sa mga tao roon sa Shekem, at ibinigay niya sa kanila ang mga kautusan at mga tuntunin.

26Sinulat ito ni Josue sa Aklat ng Kautusan ng Diyos. Pagkatapos, kumuha siya ng malaking bato at itinayo sa puno ng terebinto malapit sa banal na lugar ng Panginoon.

27At sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ang batong ito ang saksi natin na nakipag-usap ang Panginoon sa atin. Magpapatunay ito laban sa inyo kung tatalikuran ninyo ang Diyos.”

28Pagkatapos, pinauwi ni Josue ang mga tao sa kani-kanilang mga lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.