Josue 24

Pagkatapos, pinauwi ni Josue ang mga tao sa kani-kanilang mga lupain.

Joshua 24:28 (UKJV) So Joshua let the people depart, every man unto his inheritance.

26Sinulat ito ni Josue sa Aklat ng Kautusan ng Diyos. Pagkatapos, kumuha siya ng malaking bato at itinayo sa puno ng terebinto malapit sa banal na lugar ng Panginoon.

27At sinabi ni Josue sa lahat ng tao, “Ang batong ito ang saksi natin na nakipag-usap ang Panginoon sa atin. Magpapatunay ito laban sa inyo kung tatalikuran ninyo ang Diyos.”

28Pagkatapos, pinauwi ni Josue ang mga tao sa kani-kanilang mga lupain.

29Dumating ang panahon na namatay ang lingkod ng Panginoon na si Josue, na anak ni Nun sa edad na 110.

30Inilibing siya sa lupain niya sa Timnat Sera, sa kabundukan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok ng Gaas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.