9Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Halikayoʼt sasabihin ko sa inyo kung ano ang sinabi ng Panginoon na inyong Diyos.
10Ngayon, malalaman nʼyo na sumasainyo ang buháy na Diyos, dahil siguradong itataboy niya palayo sa inyo ang mga Cananeo, Heteo, Heveo, Perezeo, Gergeseo, Amoreo at mga Jebuseo.
11Tiyakin nʼyo na ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na makapangyarihan sa buong mundo ay mauuna sa inyo sa pagtawid sa Ilog Jordan.
12Kaya ngayon, pumili kayo ng labindalawang lalaki, isa sa bawat lahi ng Israel.
13Kapag lumusong na ang mga pari na tagadala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ang Panginoon na makapangyarihan sa buong mundo, hihinto ang pagdaloy ng tubig sa Ilog Jordan. Ang tubig nito mula sa itaas ay maiipon sa isang lugar.”