11Tiyakin nʼyo na ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na makapangyarihan sa buong mundo ay mauuna sa inyo sa pagtawid sa Ilog Jordan.
12Kaya ngayon, pumili kayo ng labindalawang lalaki, isa sa bawat lahi ng Israel.
13Kapag lumusong na ang mga pari na tagadala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ang Panginoon na makapangyarihan sa buong mundo, hihinto ang pagdaloy ng tubig sa Ilog Jordan. Ang tubig nito mula sa itaas ay maiipon sa isang lugar.”
14Anihan noon at umaapaw ang tubig sa pampang ng Ilog Jordan. Umalis ang mga tao sa mga kampo nila para tumawid sa ilog. Nauuna sa kanila ang mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Paglusong ng mga pari sa ilog,