7At sinabi ng Panginoon kay Josue, “Sa araw na ito, pararangalan kita sa harap ng lahat ng Israelita para malaman nilang sumasaiyo ako gaya ng pagsama ko kay Moises.
8Sabihin mo sa mga paring tagadala ng Kahon ng Kasunduan na pagtapak nila sa Ilog Jordan ay huminto muna sila.”
9Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Halikayoʼt sasabihin ko sa inyo kung ano ang sinabi ng Panginoon na inyong Diyos.
10Ngayon, malalaman nʼyo na sumasainyo ang buháy na Diyos, dahil siguradong itataboy niya palayo sa inyo ang mga Cananeo, Heteo, Heveo, Perezeo, Gergeseo, Amoreo at mga Jebuseo.
11Tiyakin nʼyo na ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na makapangyarihan sa buong mundo ay mauuna sa inyo sa pagtawid sa Ilog Jordan.