2Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ipapasakop ko sa inyo ang Jerico maging ang hari at mga sundalo nito.
3Iikutan ninyo ng mga sundalo mo ang lungsod nang isang beses sa bawat araw, sa loob ng anim na araw.
4Pauunahin mo sa Kahon ng Kasunduan ang pitong pari at ang bawat isa sa kanila ay may dalang trumpeta na yari sa sungay. Sa ikapitong araw, iikutan nʼyo ang lungsod ng pitong beses, kasama ng mga paring nagpapatunog ng mga trumpeta nila.
5Kapag narinig nʼyo na ang mahabang tunog ng trumpeta nila, sisigaw kayong lahat nang malakas. Pagkatapos, guguho ang pader ng lungsod at makakapasok kayong lahat nang walang hadlang.”
6Kaya tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga pari at sinabi sa mga ito, “Dalhin nʼyo ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Mauuna ang pito sa inyo na may dalang trumpeta ang bawat isa.”